Tahimik
- Eunice Helera

- Jun 27, 2019
- 1 min read
Updated: Oct 5, 2020
Hindi ko aakalain na sa ganitong paraan,
kahit walang boses at emosyon ang nakaakibat,
kita sa ating palitan ng mga salita,
palitan ng mga kudlit, tuldok, at kuwit
ay alam natin ang pagitan, ang pagkakalayo,
ang distansyang umiiral, hindi lang bilang espasyo,
kundi sa
ating dalawa.




Comments