Sa Aking Palad
- Eunice Helera

- May 21, 2019
- 1 min read
Updated: Oct 5, 2020
At sa bawat araw na lumilipas, nakikilala na kita,
sa kung paano ang bawat linya sa aking palad,
ay unti-unti kong pinakikiramdaman.
Inaalala ang bawat guhit, ang bawat kwento,
nakikita ang anyo, ang totoong saloobin,
hanggang sa isina-puso't isip ko na,
ang pag guhit ng pag-ibig sa aking puso,
ang imahe ng ikaw sa aking isip.




Comments